Ano Ang Pang Ugnay?
Ano ang pang ugnay?
PANG-UGNAY
- Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap gaya ng 1. pangatnig, 2. pang-angkop at 3. pang-ukol.
- Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap.
1. PANGATNIG
- Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
- Halimbawa ng pangatnig:
at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya, kung, gayon
"Mag banat ka ng buto upang guminhawa ang iyong buhay."
"Pumunta sila sa mall at namili ng mga p-agkaing ihahanda sa noche buena."
2. PANG-ANGKOP
- Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
- May dalawang pang-angkop na itinuturing sa Filipino ang na at ng
- Ang na ay gingamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n.
- Halimbawa:
"Mapagmahal na ina"
"Masarap na kainan"
- Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig
- Halimbawa:
"Maruming damit"
"masunuring bata"
3. PANG-UKOL
- Ang mga tawag sa mga kataga o salitang nag- uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang salita sa pangungusap.
- Narito ang mga halimbawa:
ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.
- Halimbawa:
"Alinsunod sa batas, bawal ang ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan."
" Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking magandang kinabukasan."
Comments
Post a Comment